Importanteng malaman - mikilvægt að vita (tagalog)

Kapag dumarating ang mga anak at mga kabataan sa Councelling and Diagnostic Center, mahalaga na panatilihin ang mga sumusunod na punto sa isipan.

Pahinga

Dahil ang mga panayam at eskaminasyon ay maaaring maging mahirap para sa mga bata, mahalaga na mayroon silang sapat na tulog at mahusay na pagkapahinga.

Pangangasiwa

Hinihiling sa mga magulang na huwag baguhin ang paggamit ng mga gamot sa kanilang mga anak, kasama ang gamot sa pagiging sobrang aktibo at para sa mga kaguluhan sa pag-uugali ng mga bata.

Mahalagang tandaan

Kapag ang isang bata ay dumarating sa mga obserbasyon, mahalagang isama ang mga bagay na mahalaga, tulad ng mga salamin at mga hearing aids. Kapag tinutuklas ang mga kasanayan ng bata sa pagkilos og paggalaw, mahalaga din na ang bata ay nasa komportableng damit at sapatos na panglaro. Maganda rin ng magdala ng baon na pagkain sa mga araw kung kailan ay mahaba ang mga appointment o adyenda.

Gamit na pantulong (aid)

Kung ang inyong anak ay gumagamit ng mga bagay na nakakatulong o nakakasuporta sa parte ng katawan, gaya ng pantulong sa paglakad, lalo na kung espesyal na silya o wheel chair, isang aparato pang komunikasyon, o anumang bagay, mahalaga na dalhin mo ang mga ito sayo.

Kung kailangan mong baguhin ang programa (adyenda)

Kung ang isang pamilya ay hindi makakarating sa tamang oras sa programa na nilaan o appointment dahil sa isang kadahilanan ay maaaring ipaalam sa pamamagitan ng pagtawag sa Institu ng pananaliksik sa 510-8400.

Kung may mga katanungan

Kung may mga tanong na lumabas ang mga magulang, pinakama-ayos na makipag-ugnayan sa humahawak ng bata sa pamamagitan ng telepono o email. Makikita ang pangalan ng ugnayan ng bata sa adyenda ng bata, at pati na rin ang iba pang mga impormasyon.

Greiningar- og ráðgjafarstöð ríkisins, mars 2019